Bakit ganun, sa dinami-dami ng magugustuhan ko IKAW PA. Nagtaka din ako kung bakit ikaw yung nagustuhan ko. Di ka naman kagwapuhan, di ka rin naman matalino, di rin masyadong mabait. Di ka perpekto at di rin nakaka agaw ng atensyon. Madaming pwedeng ihusga sayo, pero bakit ikaw yung nagustuhan ko?
Isang beses nga nung nasabi ko sa Kaibigan ko na gusto kita, pinagtawanan lang nila ako. Yung iba akala nila pinagtitripan ko sila o nagbibiro ako. Pero ako mismo natatawa din. BAKIT IKAW PA? Ano ba ang meron ka na wala sila?
Nung isang linggo, nagdrama ako. Nalaman ko mismo sayo at pinagmamalaki mo pa na may Gusto ka pa sa babaeng yun. Hanggang sa mag GM ka na Mahal mo pa siya. Alam kong wala akong karapatang masaktan. Dahil di naman tayo. Kaibigan mo lang naman ako. Pero bat ganun, di ko parin mapigilang mag isip isip. Humantong nalang yun sa pag limot sayo, Pero di ko nagawa. Kaya ngayon, ito minamahal parin kita.
Ayokong umasa kasi ayokong masaktan. Ayokong mag assume kasi ayokong masaktan. Takot din ako na malaman mo na may gusto ako sayo. Ayokong humantong sa FO yung pagkakaibigan natin. Pero kung malalaman mo man, sana di magbago yung tingin mo sakin. Sana di mo ko iwasan.
yung alam mong madami dyang patay na patay sa’yo pero nagawa mo pa ring maghintay sa isang napakamanhid na tao
GOOD NIGHT! :)

(Source: fearlessknightsandfairytales)

Photo Courtesy: cheted03
At home I have become Wade,
And at school, I have become Squidward.
(Source: whooopsdontcare)